14 November 2025
Calbayog City
Metro

3 patay matapos araruhin ng truck ang 4 na sasakyan sa Quezon City 

PATAY ang tatlong katao matapos araruhin ng isang truck ang iba pang mga sasakyan sa Batasan-San Mateo Road sa Quezon City.

Sa kuha sa dashcam ng isang sasakyan makikitang rumaragasa ang isang truck at bigla na lamang itong tumagilid.

Nangyari ang aksidente 11:30 ng gabi ng Miyerkules (May 28) habang binaybaybay ng truck ang kalsada na patungo sa San Mateo Rizal.

Inararo ng nasabing ng truck ang 2 motorsiklo, 1 kotse, at 1 AUV.

Hawak na ng mga otoridad ang 38-anyos na driver ng truck.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).