TATLONG kalalakihan ang patay sa umano’y shootout malapit sa bahay ng isang barangay kagawad sa Tabuk City, sa Kalinga, ayon sa Police Regional Office Cordillera.
Natagpuan ng mga tauhan ng Tabuk City Police ang katawan ng tatlong lalaki na duguang nakahandusay sa kalsada, kasunod ng tip mula sa isang concerned citizen.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Narekober ng mga otoridad mula sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang M16 rifles at isang shotgun.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nakipagbarilan umano ang mga biktima sa mga hindi nakilalang suspek, malapit sa bahay ni Barangay Kagawad Cleve Dumaguing mula sa Biga Tribe.
