21 September 2024
Calbayog City
Overseas

3 batang babae, patay sa pananaksak sa United Kingdom

TATLONG batang babae ang patay makaraang pagsasaksakin habang walong iba pa ang nasugatan, sa Southport, United Kingdom.

Nangyari ang pag-atake sa isang Taylor Swift-Themed Event sa isang dance school sa Seaside Town sa Northwest England.

Ang edad ng mga batang babaeng nasawi ay anim, pito, at siyam.

Nasakote naman ng mga pulis ang disi siyete anyos na suspek subalit hindi pa batid ang motibo nito sa krimen.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.