NAKAPAGTALA ang Eastern Visayas ng 3.4 percent na inflation rate noong Pebrero, mas mataas kumpara noong Enero, bunsod ng tumaas na food prices, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang inflation rate noong nakaraang buwan ay mas mataas kumpara sa 2.5 percent noong Enero, at ang pinakamataas na adjustment sa nakalipas na labing walong buwan.
Ayon kay PSA Region 8 Chief Statistical Specialist Mae Almonte, pangunahing dahilan ng uptrend ang mas mabilis na inflation rate sa food and non-alcoholic beverages sa 3.9% mula sa 2.7% noong Enero.
Naitala rin ang mas mabilis na inflation rates sa isda at iba pang seafood, fruits and nuts, vegetables, tubers, plantains, cooking bananas, at mais.
Ni-report din ng PSA ang mas mabilis na inflation noong Pebrero sa housing, water, electricity, gas, at iba pang fuels sa 4 percent mula sa 3.2 percent noong Enero.




