ITUTULOY ng K-Pop Girl Group na 2NE1 ang kanilang encore concert sa abril, bilang pagtatapos sa kanilang 15th-anniversary Asia tour, sa kabila ng concerns sa mental health ng isa nilang miyembro na si Park Bom.
Kinumpirma ng YG entertainment sa the Korea Herald, na hindi ipagpapaliban ng legendary girl group ang kanilang April concert, alinsunod sa schedule, at kumpleto ang apat na miyembro sa stage.
Ikinabahala ng marami ang kondisyon ni Park matapos paulit-ulit nitong ihayag sa social media na mayroon silang romantic relationship ng aktor na si Lee Min-Ho.
Simula noong setyembre ng nakaraang taon ay nag-post ang 2NE1 member tungkol kay Min Ho, at ang pinakahuli ay nitong Feb. 12 kun saan nag-share ito ng litrato ng aktor na may caption na “My Husband.”
Agad naman tinanggal ang post, kasabay ng pagbalewala rito ng agency, sa pagsasabing simpleng misunderstanding lamang ito mula sa paghanga ni Park sa South Korean Heartthrob.