NAG-iwan si Priscilla Meirelles ng cryptic comment sa Instagram account ng kanyang mister na si John Estrada.
Naka-turnoff na ang comment section ng aktor, subalit isang netizen ang nakapag-screenshot ng comment ni Priscilla.
Nakasaad sa comment ng Miss Earth 2004 ang mga katagang “Looking very divorced, Mr. Estrada @ Lily Hallman.”
Nag-comment din si Priscilla ng kaparehong username nang tanungin ng isang netizen kung sino ang kasama ng kanyang mister sa Boracay na kamakailan lamang ay binisita nito.
Sa nakaraang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inamin ng dating beauty queen ang estado ng kanilang pagsasama ni John, at anuman aniya ang kanilang kahinatnan ay ginawa niya ang kanyang part.