7 February 2025
Calbayog City
Entertainment

Chito Miranda, flinex ang physical health progress

chito miranda

Ibinida ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang kanyang physical health progress matapos panindigan ang healthy diet at regular workout sessions.

Sa Instagram, ibinahagi ng 48-year old vocalist ang before and after photos ng kanyang katawan.

Sinabi ni Chito na okay lang sa kanya na payat, basta healthy at walang beer belly.

Aniya, para sa isang dating malakas mag yosi at uminom, at nagsimula ng rock and roll lifestyle sa edad na dose, dapat lang na i-flex niya ang magandang pagbabago sa kanyang katawan.

Idinagdag ng musikero na balik na rin sa normal ang lebel ng kanyang cholesterol, blood sugar, uric acid, at blood pressure.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *