IPINADEDEKLARANG special holiday sa Eastern Samar ang March 17 kada taon bilang paggunita sa araw ng pagdating sa Pilipinas ni Ferdinand Magellan.
Sa House Bill Number 122 na inihain ni Eastern Samar Representative Christopher Sheen Gonzales, ipinanukala nito ang paggunita taon-taon sa “Homonhon Landing Day”.
ALSO READ:
Makasaysayan kasi aniya ang nasabing petsa at oportunidad din ito para sariwain ang mayamang kultura ng bansa.
Nakasaad sa panukala na ang Provincial Government ng Eastern Samar ay mag-oorganisa ng educational at cultural activities tuwing March 17.
Ito ay sa pakikipag-ugnayan sa National Historical Commission of the Philippines, Department of Education, at Commission on Higher Education.




