NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aralan ng mga ahensya ng pamahalaan ang hirit ng Public Transport Groups na Pisong Dagdag-Pasahe sa jeepney.
Sa press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na ang naturang usapin ay hindi lamang dapat pag-aralan ng Department of Transportation (DOTr), kundi pati na ng Economic Team ng bansa.
Batay aniya sa direktiba ng pangulo, dapat pag-aralan ng mga ahensya ang hiling na itaas ang pasahe dahil marami ang maaapektuhan nito.
Idinagdag ni Castro na magkakaroon ng mga konsultasyon at Public Hearings hinggil sa hirit ng Transport Groups.
Una nang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nirerebyu na nila ang petisyon para sa Pisong Provisional Fare Increase sa jeepney.




