DALAWAMPU’T apat katao, kabilang ang labindalawang kabataan ang nahuli ng mga awtoridad bunsod ng pagkakasangkot sa iligal na karera ng mga motorsiklo sa San Rafael, Bulacan.
Sa Video Footage mula sa PNP Highway Patrol Group (PNP-HPG), nakita ang mga lumahok sa karera na walang mga suot na helmet, habang ang iba ay mayroon pang mga angkas.
Ayon kay PNP-HPG Spokesperson Police Lt. Nadame Malang, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa drag racing sa kahabaan ng Mabalas-Balas-Galas-Maasim Bypass Road, kung saan mayroong kabataang kasali.
Isang menor de edad ang naaksidente at nagtamo ng bone fracture matapos magtangkang takasan ang mga awtoridad.