NAGLUNSAD ang Russia ng daan-daang drones at missiles sa Kyiv, na ikinasawi ng mahigit dalawampung katao, sa isa sa kanilang pinakamalaking pag-atake sa Ukrainian Capital.
Ayon sa State Emergency Service ng Ukraine, hindi bababa sa dalawampu’t walo ang napaslang sa Kyiv habang isandaan tatlumpu’t apat ang nasugatan.
Isang bomba ang tumama sa multi-story residential building na nahati sa dalawa at nag-iwan ng napakalaking puwang kung saan dati ay mayroong mga nakatayong bahay.
Inihayag ng United Nations Human Rights Monitoring Mission sa Ukraine, na ito ang ika-apat na umatake ang Russian Armed Forces at naglunsad ng mahigit 400 munitions sa loob lamang ng isang magdamag.