UMAKYAT na sa dalawampu’t anim ang naiulat na nasawi mula sa pananalasa ng mga bagyong Mirasol, Nando, at Opong, pati na ng Habagat.
Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa naturang bilang, apat ang kumpirmadong nasawi habang 22 ang bina-validate pa.
Ang mga nagdaang Weather Disturbances ay nag-iwan din ng tatlumpu’t tatlong nasugatan at labing apat na nawawala.
Umabot din sa kabuuang 738,714 na pamilya o 2.797 milyong katao ang naapektuhan ng mga nakalipas na sama ng panahon.
Pinaka naapektuhan ng typhoon Opong ang lalawigan ng Masbate na nagdeklara na ng State of Calamity dahil sa lawak ng naging pinsala ng bagyo.
Lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Opong noong Sabado ng umaga.




