LIGTAS na nakauwi sa bansa ang dalawampu’t limang Pinoy na inilikas mula sa Israel.
Dumating sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport ang mga Pinoy, Sabado ng gabi, March 21, lulan ng Oman Air.
ALSO READ:
Kabilang sa mga dumating ang 24 OFWs at isang bata.
Ito na ang ika-apat na batch ng mga apektadong Overseas Filipino Workers galing Israel na itinawid patungong Taba Border sa Egypt.
Sinalubong sila ng mga kinatawan ng Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration at Manila International Airport Authority.
Pinagkalooban ang mga umuwing Pinoy ng tulong-pinansiyal, medikal, transportasyon at hotel accommodation.




