TINAYA sa 25 million pesos na halaga ng mga Smuggled na sigarilyo ang kinumpiska ng mga awtoridad sa operasyon sa karagatan sa pagitan ng dalawang isla sa Zamboanga City.
Sinabi ni Col. Fidel Fortaleza Jr., Director ng Zamboanga City Police Office, na nasamsam ang Smuggled Cigarettes, sa pagitan ng mga isla ng Sacol at Manalipa.
Aniya, nagsasagawa ang mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile “Seaborne” Company ng Maritime Patrol nang maispatan ang isang motorboat sa lugar.
Nasamsam ng mga awtoridad mula sa inabandonang motorboat ang 400 Master Cases ng iba’t ibang brands ng sigarilyo, na itinurnover sa Bureau of Customs para sa Proper Disposition.
Patuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang may-ari ng mga kinumpiskang Smuggled na sigarilyo.