SUMUKO sa pulisya ang basketball player na si John Amores matapos masangkot sa pamamaril sa Lumban, Laguna dahil sa umano ay away sa basketball.
Hawak ngayon ng pulisya si Amores at kaniyang kapatid.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Sa kuha ng CCTV, kitang bumaba si Amores sa motorsiklo, hinabol ang biktima at saka binaril.
Ang kapatid ni Amores ang siyang nagmamaneho ng motorsiklo.
Ayon sa Lumban police, dumayo sa Brgy. Salac ang magkapatid na Amores at mayroong tawag na hindi napagkasunduan kaya nauwi sa away.
Nahaharap si Amores sa kasong attempted murder.
