3 July 2024
Calbayog City
Business

$22M na halaga ng puhunan, nalikom ni Pangulong Marcos mula sa malalaking kumpanya sa Indonesia

nalikom

Nakalikom na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng 22 million dollars na halaga ng puhunan mula sa top Indonesian companies sa nagpapatuloy na paglahok ng pangulo sa 43rd Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.

Ang mga nalikom na investments ay may kinalaman sa animal health, artificial intelligence, at digital connectivity.

Sa pakikipagpulong kay Pangulong Marcos, inanunsyo ng P-T Vaksindo Satwa Nusantara Pharmaceutical Company ang paglalagak ng 2 million dollars para sa veterinary vaccines, kabilang ang pagsu-suplay sa Pilipinas ng bakuna laban sa avian influenza.

20 million dollars naman ang ipinangakong puhunan ng subsidiaries ng PT Wir Asia TBK, na nasa larangan ng pag-develop ng augmented at virtual reality at artificial intelligence.

Samantala, nakipagkita rin si Marcos sa executives ng pPasifik Satelit Nusantara kaugnay sa update sa nilagdaang Memorandum of Understanding noong nakaraang taon para sa plano nilang paglulunsad ng satellite sa bansa sa Disyembre 2023.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *