DALAWAMPUT dalawa katao ang nasawi matapos ang walang habas na pamamaril ng mga suspek na sakay ng mga motorsiklo sa isang binyagan, sa Western Niger.
Batay sa Report, sinalakay ng mga salarin ang Baptism Ceremony sa Tillaberi Region, na nasa Borders ng Mali at Burkina Faso.
ALSO READ:
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
US Embassy sa Riyadh, tinamaan ng drones, ayon sa Saudi Defence Ministry
Fighter jets ng US tinarget ng Kuwait matapos mapagkamalang kalaban
Nahihirapan ang Military Government na makontrol ang Jihadist Violence sa rehiyon, na inihahasik ng mga grupong may kaugnayan sa Al-Qaeda at Islamic State.
Noong nakaraang linggo ay inihayag ng Human Rights Watch na dumami ang naging pag-atake ng Jihadist Groups sa bansa simula noong Marso, na pumatay na ng halos isandaan at tatlumpu katao habang maraming kabahayan ang pinagnakawan at sinunog.
