NANGAKO si Senate President Francis Chiz Escudero na maipapasa ng Senado on-time ang proposed 2025 National Budget.
Kasunod ito ng approval ng Kamara sa P6.352 trillion 2025 General Appropriations Bill o GAB.
ALSO READ:
DepEd, tiniyak ang paghihigpit sa SHS Voucher Program
DSWD, balik na sa pag-iisyu ng Guarantee Letters
Jan. 9, idineklarang Special Non-Working Day sa Maynila; Gun Ban, ipatutupad sa lungsod simula Jan. 8 hanggang 10 kaugnay ng pista ng Nazareno
Alert Level 3, itinaas sa Mayon Volcano; mga residente sa 3 barangay sa Camalig, sisimulan nang ilikas
Ipinaliwanag ni Escudero na sa ngayon ay hindi pa sila makapagbigay ng timeline sa pagtalakay nila sa panukalang budget hangga’t hindi pa nila natatangggap ang GAB mula sa Kamara.
Binigyang-diin naman ng senate leader na mula Agosto naman ay nagsasagawa na ang Senate Committee on Finance ng mga pagdinig sa panukalang budget ng iba’t ibang ahensya at opisina ng pamahalaan.
Inaasahan ding magpapatuloy ang mga committee hearing sa proposed budget kahit ngayong naka-session break ang Senado.
