DALAWANG sundalo ang nasawi habang isang sibilyan ang nasugatan sa engkwentro laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Babaclayon, sa San Jose De Buan, Samar.
Ayon kay Philippine Army Chief, Lt. Gen. Antonio Nafarrete, nagsilbi ang mga nasawing sundalo nang buong tapang at dedikasyon, kaya’t hindi dapat kalimutan ang kanilang sakripisyo.
Nagpaabot din si Nafarrete ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya, kasabay ng pagtiyak na magbibigay ang militar ng tulong.
Samantala, hinimok naman ng army chief ang mga rebelde na talikuran na ang armadong pakikibaka at magbalik loob na lamang sa pamahalaan.




