KINUMPISKA ng Amerika ang dalawang tankers na iniugnay sa Venezuelan Oil Exports sa “back-to-back” operations sa North Atlantic at sa Caribbean.
Kinumander ng US forces ang Russian-flagged Marinera, matapos ang halos dalawang Linggong paglalayag sa pagitan ng Iceland at Scotland.
Inakusahan naman ng Amerika ang ikalawang tanker na M/T Sophia na nagsasagawa ng iligal na aktibidad.
Ang hakbang ng US ay para pigilan ang pag-export ng crude oil, ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang dakpin si Venezuelan President Nicolas Maduro.




