DALAWANG Alpine skiers ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2026 Milano Cortina Winter Olympics sa susunod na buwan.
Sina Francis Ceccarelli at Tallulah Proulx ay kapwa nag-qualify at sasabak sa Giant Slalom and Slalom events para sa Winter Games.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Ang bente dos anyos na si Ceccarelli ay nakakuha ng quota spot sa Milano Cortina Games, upang maging kauna-unahang Pilipino na nag-qualify at nakatakdang maging 5th Olympic Alpine skier mula sa bansa.
Nakakuha naman ng spot ang disisyete anyos na si Proulx sa Women’s Giant Slalom and Slalom events, matapos maabot ang 120 International Ski and Snowboarding Federation o FIS points na kailangan para sa qualification.
