DALAWANG Pilipinong mangingisda ang nasugatan makaraang sumabog ang kanilang bangka malapit sa Bajo De Masinloc o Scarborough Shoal.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), pasado alas tres ng hapon noong Sabado nang lumubog ang nasirang motor banca.
Dalawang vessels ng China Coast Guard (CCG) ang naispatan din malapit sa insidente.
Sinabi ng PCG na tinangka pa ng CCG na pigilan ang rescue operations kahit naabisuhan na sila tungkol sa emergency.
Inihayag naman ni PCG Spokesman Rear Admiral Armand Balilo na nakapagsawa sila ng rescue operations at nabigyan ng atensyong medical ang mga nasugatang mangingisda.
Sinabi ni Balilo na ayon sa kapitan ng BRP Sindangan, iniugnay ng mga mangingisda ang pagsabog sa palyadong baterya ng starter motor.