21 September 2024
Calbayog City
Province

2 Nigerians, timbog sa pagpapatakbo ng Love Scam sa Cavite

DALAWANG Nigerian Nationals ang inaresto sa isang bahay sa Cavite na umano’y nagpapatakbo ng love scam.

Dinakip ng Regional Special Operations Unit at Tanza Police ang mga suspek na pinaniniwalaang galing sa sinalakay na POGO Hub sa Bamban, Tarlac.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Kenneth Paul Lucas, Police Region Office-4A Regional Director, na hindi lang mga Pilipino ang binibiktima ng mga suspek, kundi pati mga foreigner.

Aniya, nag-aral ang mga ito sa Central Luzon hanggang sa na-recruit sila sa Bamban at nag-trabaho sa POGO, subalit nang malaman ang operasyon ay nagsarili na.

Kabilang sa nakumpiska ng mga awtoridad ang mobile phones na mayroong dating applications na ginagamit sa panloloko.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).