DALAWA mula sa apat na kadete na sangkot sa umano’y Hazing Incident sa Philippine Military Academy (PMA), sa Baguio City, sinuspinde dahil sa pananakit sa isa pang kadete.
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, isa ang na-abswelto, dalawa ang suspendido, habang ang isa pa ay pinarusahan base sa partisipasyon nito bilang bahagi ng Chain of Command.
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Batay sa imbestigasyon, sinabi ng Baguio City Police, na nakaranas ng Physical Abuse at Humiliation ang 4th Class Cadet simula Sept. 2 hanggang 29, 2024.
Binigyang diin ng pulisya na ang pagma-maltrato ay hindi isolated at regular na isinasagawa sa loob ng barracks.
Ang umano’y pisikal na pang-aabuso na inireklamo bilang “Animalistic Tripping” ay kinabibilangan ng mga panununtok at labis na physical training na naging dahilan para mag-collapse ang biktima bunsod ng sobrang pagod.
