6 August 2025
Calbayog City
Province

2 divers ng Philippine Navy, nalunod sa Sarangani

PATAY ang dalawang miyembro ng Philippine Navy makaraang malunod sa karagatang sakop ng Barangay Mindupok sa Maitum, Sarangani.

Ayon sa report, nagsasagawa ang mga biktima na edad kwarenta’y otso at singkwenta, ng Recreational Site Diving Survey, 1.2 nautical miles mula sa Baybayin, bago mangyari ang insidente.

Mahigit isang oras na nawala ang mga diver hanggang sa matagpuan silang lumulutang sa dagat at walang malay.

Isinugod sila sa ospital subalit kapwa sila idineklarang Dead on Arrival.

Naniniwala ang mga kasamahan ng dalawang divers na umabot ang mga ito sa malalim na bahagi ng dagat at nahirapan silang huminga sa ilalim ng tubig.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).