DALAWANG buntis na menor de edad at ilang iba pa ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa human trafficking sa Sual, Pangasinan.
Kabilang ang dalawa sa siyam na menor de edad at isang adult na nailigtas ng NBI-cybercrime Division at NBI-Special Task Force, mula sa isang compound sa Barangay Baquioen.
Mahigit 1.8 million pesos na halaga ng iligal na mantika, nakumpiska sa Oriental Mindoro
5 pulis na sangkot sa pagnanakaw ng 14 million pesos na cash sa Porac, Pampanga, sinibak sa pwesto
PNP chief, ipinag-utos ang imbestigasyon sa pagpaslang sa broadcaster-councilor sa Surigao Del Sur
2 indibidwal, arestado sa Loose Firearms sa bahay ng 1 kongresista sa Tarlac
Ayon sa NBI, nadiskubre na nabuntis ang dalawang biktima ng kanilang live-in partners na bente tres at bente dos anyos.
Samantala, ilan sa mga biktima ay na-recruit mula sa Northern Samar.
Pinilit umanong magtrabaho ang mga biktima sa fish pens na pag-aari at kontrolado ng Chinese Nationals.
Nasakote naman ng mga awtoridad ang dalawang Chinese Nationals at tatlong Pilipino na nangangasiwa umano sa fish pen operations.
