1 July 2024
Calbayog City
Business

2.33M unemployed Filipinos naitala noong Hunyo

NADAGDAGAN ang bilang ng mga pinoy na walang trabaho noong hunyo kumpara noong mayo.

Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 4.5 percent unemployment rate noong ika-anim na buwan.

Kumakatawan ito sa 2.33 million na bilang ng jobless para sa nasabing buwan.

Mas mataas ito kumpara sa 4.3 percent unemployment rate noong mayo o 2.17 million na unemployed.

Tumaas din sa 12 percent ang underemployment rate noong hunyo kumpara sa 11.7 percent noong mayo.

Nangangahulugan ito na noong mayo ay mayroong 5.87 million na manggagawa na underemployed.

May naitala namang 48.84 million na employed filipinos o katumbas ng 95.5 percent na employment rate.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *