NARARANASAN na ang peak ng holiday rush sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, dalawang linggo bago ang pasko.
Ayon kay Gabriel Go, Chief ng Special Operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasa 470,000 na mga sasakyan ang dumaraan sa EDSA kada araw.
Posible pa umano itong tumaas ng sampu hanggang labinlimang porsyento, kapag nagbakasyon na ang mga eskwelahan para sa holidays.
Inihayag din ng MMDA na inaasahan nilang madaragdagan pa ang dadagsa sa mga mall ngayong linggo.