26 January 2026
Calbayog City
National

15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG

PANSAMANTALANG nagpakita ng kooperasyon at pagkakasundo ang China Coast Guard at Philippine Coast Guard.

Payapa kasing naisagawa ang turnover operation ng CCG at PCG sa labinglimang survivors at dalawang nasawi na Pinoy Crew ng tumaob na M/V Devon Bay.

Isinagawa ang operasyon sa katubigan na sakop ng Tambobong, Pangasinan.

Mula sa barko ng China ang mga nakaligtas na Pinoy crew ay inilipat gamit ang rigid-hull inflatable boats dahil may kalakasan ang alon.

Sa video na ibinahagi ng PCG makikitang nagkawayan pa ang mga pwersa ng China at Pilipinas matapos mailipat ng bangka ang mga Pinoy crew.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).