2 March 2026
Calbayog City
National

Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla

PARA kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, imposible ang nilalaman ng affidavit ng labingwalong nagpakilalang mga dating Marines at naging bagman ni dating Congressman Zaldy Co.

Sa kaniyang radio program, sinabi ni Remulla na hindi kapani-paniwalang magkakasama at pare-pareho ang kilos ng lahat ng labingwalo sa buong salaysay nila.

Gayong ang affidavit aniya ay dapat nakabatay lamang sa personal na karanasan.

Itinanggi rin ni Remulla ang paratang na nakipagpulong umano siya sa mga prosecutor ng ICC.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).