BINIGYANG diin ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang kahalagahan ng pagbabakuna upang ma-protektahan ang mga bata, pati na ang mga komunidad mula sa mga sakit na maaring maiwasan.
Sa kanyang pagdalo sa National Immunization Program Meeting, kahapon, ipinaabot ni Mayor Mon ang taos-pusong pasasalamat sa Relief International sa pag-sponsor ng immunization program sa lungsod.
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Sa naturang meeting ay natipon-tipon ang malalaking stakeholders mula sa iba’t ibang organisasyon para talakayin ang pagpapalakas ng immunization programs sa Calbayog City.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ng alkalde ang kahalagahan ng nagkakaisang mga hakbang upang matiyak ang tagumpay ng mga programa.
Hinimok din ni Mayor Mon ang mga dumalo na magkaisa upang malagpasan ang mga hamon at matiyak na lahat ng mga bata ay mayroong access sa mga bakunang nakapagliligtas ng buhay.
