NAGHAIN ng petisyon sa supreme court ang mga abogado mula sa Mindanao para pigilan ang impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang inihaing petition for certiorari and prohibition ng mindanawon lawyers ay para hilingin sa kataas-taasang hukuman na maglabas ng temporary restraining order at ideklarang null and void ang impeachment complaint.
ALSO READ:
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Kabilang sa mga petitioner sina Israelito Torreon, Martin Delgra, James Reserva, at Hillary Olga.
Pebrero a-singko nang i-impeach ng kamara ang bise presidente, kung saan mahigit dalawandaang kongresista ang sumuporta sa reklamo.