7 February 2025
Calbayog City
Province

4 katao, patay sa pagbagsak ng eroplano sa Maguindanao Del Sur

APAT katao ang nasawi sa pagbagsak ng isang private plane sa palayan, sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Ameer Jehad Ambolodto, Provincial Disaster Response Officer, narekober ng emergency responders ang katawan ng apat na biktima na inilarawan bilang caucasian-looking men, mula sa wreckage ng beechcraft king air 300 na may registration number N349CA.

Batay sa salaysay ng mga saksi, mababa ang lipad ng eroplano na tila nagsu-survey sa lugar bago ito pa-subsob na bumagsak sa palayan sa barangay Malatimon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).