UMAKYAT na sa 235 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok sa buong bansa, batay sa tala ng Department of Health (DOH) simula Dec. 21, 20205 hanggang 4 A.M. ng Jan. 1, 2026.
Mas mababa ito ng 42 percent kumpara sa 403 cases na na-record sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Ayon sa DOH, 62 cases ang naitala noong Dec. 31 o pagsalubong sa bagong taon.
Sa tala ng ahensya, 161 sa mga biktima ay disi nueve anyos pababa.
Inihayag ng DOH na kabilang sa mga pangunahing dahilan ng firework-related injuries ay mga hindi tukoy na paputok, boga, at 5-star.
Sinabi ni Health Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, na inaasahan nila ang final report sa tally ng firework-related injuries sa unang Linggo ng taon.




