PINAPAYAGAN ang mga opisyal ng barangay na lumahok sa partisan political activities, gaya ng pangangampanya, subalit hindi sa oras ng kanilang trabaho.
Ginawa ni COMELEC Chairman George Garcia ang pahayag, kahapon o isang araw bago ang simula ng campaign period para sa local bets, ngayong Biyernes.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Ipinaalala ni Garcia na ang paggamit ng bayad na oras para mangampanya para sa mga lokal na kandidato ay nasa ilalim pa rin ng pag-abuso sa state resources.
Idinagdag ng poll chief na ang mga tauhan at opisyal ng barangay ay binabayaran para magtrabaho simula alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon, at hindi para mangampanya para sa mga kandidato.
Ipinagbabawal din aniya ang paggamit ng barangay resources sa mga kampanya.