NAISAMPA na ang mga kaso laban sa dalawang indibidwal na namerwisyo sa pamamagitan ng pagsasaboy ng tubig sa mga dumadaan sa ginanap na Wattah Wattah Festival sa San Juan City.
Kabilang sa mga naghain ng reklamo ang isang delivery rider na nagsampa ng Unjust Vexation at Slander laban sa isang residente ng San Juan, makaraang makita sa video footage ang pagbasa ng tubig sa kanya na ikinasira ng kanyang cellphone.
ALSO READ:
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Nakiusap na umano ang rider na huwag na siyang basain subalit patuloy pa rin ang mga residente sa pagsaboy sa kanya ng tubig.
Ayon sa San Juan Local Government, dalawa na ang kinasuhan habang tatlo ang nahaharap sa mga reklamo dahil sa paglabag sa mga ordinansa.
