INANUNSYO ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang plano nitong bumuo ng task force na tutugon sa energy-related concerns.
Kasunod ito ng deklarasyon ng State of National Energy Emergency sa ilalim ng Executive Order No. 11, na inisyu ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa March 24.
Mga turista, hinikayat na bumisita sa rock formations sa Biri Island sa Northern Samar
Mahigit 196 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inendorso ng Regional Development Council sa Eastern Visayas
Calbayog bishop, hinikayat ang lahat na maging instrumento ng pag-asa at pagbabago sa lipunan
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Sa flag-raising ceremony sa Calbayog City Hall, kahapon, binigyang-diin ni Mayor Mon ang urgency sa paglikha ng task force na tutugon sa epekto ng tumataas na presyo ng langis at sa kawalang-katiyakan bunga ng kaguluhan sa Middle East.
Iginiit din ng alkalde ang pangangailangan para sa food sufficiency at mabawasan ang pagdepende sa mga inaangkat o imported food.
Iminungkahi ni Mayor Mon ang backyard at community farming, kasabay ng pagsasabing isa ito sa mga istratehiya na tiyak na magpapalakas sa community resilience sa gitna ng krisis sa enerhiya.
