MAGPAPADALA ang US ng charter flights para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa United Arab Emirates, Jordan, at Saudi Arabia, sa gitna ng umiigting na tensyon sa Middle East.
Sinabi ng US State Department na dapat nang umalis ang Americans sa Bahrain, Egypt, Iran, Iraq, Israel, occupied West Bank at Gaza, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Yemen, bunsod ng “serious safety risks.”
Maraming flights mula sa rehiyon ang kinansela o sinuspinde, simula nang bombahin ng US at Israel ang Iran noong Sabado.
Inihayag ng State Department na inaayos nila ang military aircraft at charter flights para sa mga Amerikano na nagnanais na lisanin ang Gitnang Silangan.




