AABOT sa 19,550 Active and Aspiring seafarers ang sinanay ng State-Run National Maritime Polytechnic (NMP) sa Tacloban City sa unang siyam na buwan ng 2025.
Repleksyon ito ng malakas at matatag na Demand para sa Maritime Education sa bansa.
Ang naturang bilang ay kumakatawan sa 98 percent ng 19,851 Total Enrollees sa Main Campus ng NMP sa Tacloban City at sa kanilang Liaison Office sa Metro Manila mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Sinabi ni NMP Executive Director Victor Del Rosario na patunay ito ng hindi matatawarang dedikasyon ng ahensya sa pagtupad sa kanilang mandato na humubog ng Globally Competitive Filipino Seafarers.
Kasabay nito ay tiniyak ni Del Rosario na pagbubutihin pa nila ang kanilang Training Capacities upang maabot ang International Standards at mapanatili ang posisyon ng bansa bilang World’s Leading Supplier ng Maritime Professionals.