AMINADO ang Office of Civil Defense (OCD) na hindi pa handa ang Pilipinas sa magnitude 7.7 na lindol na kagaya ng tumama sa Myanmar noong Biyernes.
Sinabi ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno na hindi nila pwedeng pagandahin ang sagot dahil kailangan pang maghabol ng Pilipinas sa paghahanda.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Ayon kay Nepomuceno, mayroong dalawang lebel ng kahandaan sakaling tumama ang isang malakas na lindol.
Aniya, karamihan ng mga Pilipino ay alam na ang “Duck, Cover and Hold” kapag may lindol dahil sa Nationwide Earthquake Drills.
Idinagdag ni Nepomuceno na engineering solutions ang unang lebel ng kahandaan para sa malalakas na lindol, sa pamamagitan ng paggawa earthquake-proof na mga istruktura, gaya ng mga bahay, gusali, at tulay.