LABIMPITONG Pilipino ang ligtas na nakatakas mula sa pag-atake ng Houthi Rebels ng Yemen sa Red Sea noong linggo.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), lulan ang labimpitong Pinoy, kasama ang Vietnamese at Romanian crew members ng bulk carrier habang naglalayag malapit sa Yemen, nang atakihin sila ng maliliit na bangka na may mga sakay na armadong lalaki.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Lumaban ang security team ng barko, dahilan para makatakas ang labinsiyam na seafarers at sinagip ng dumaang container ship.
Inihayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na all accounted for ang lahat ng Pinoy seafarers, at ngayon ay nasa hotel sa Djibouti, sa East Africa.
Tiniyak din ni Cacdac ang ipagkakaloob na tulong ng pamahalaan sa mga seafarer at kanilang mga pamilya.
