15 March 2025
Calbayog City
Overseas

17 Palestino, patay sa Israeli strike sa Central Gaza

israeli strike hamas gaza
A Palestinian woman reacts after the Israeli military bombardment of the UNRWA (United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees) run Abu Araban school, turned shelter, where internally displaced Palestinians are living, in the Nuseirat refugee camp, in the central Gaza Strip on July 14, 2024, amid the ongoing conflict between Israel and the Palestinian Hamas militant group. (Photo by Eyad BABA / AFP)

Hindi bababa sa labimpitong Palestinians ang nasawi habang marami ang nasugatan sa Israeli strike sa Central Gaza sa bayan ng Zawayda, sa gitna ng bagong evacuation orders ng Israel, kasunod ng pinakawalang rocket ng Hamas.

Inanunsyo rin ng Israel ang mga pangalan ng dalawang sundalo na namatay sa pagsambulat ng roadside bomb sa Central Gaza Strip, at isang air strike sa inokupang west bank kung saan dalawang senior Hamas militants na sangkot sa pagpaslang sa isang Israeli.

Nangyari ang karahasan bago ang inaasahang pagdating ni US Secretary of State Antony Blinken sa Israel at pakikipagpulong kay Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Karamihan sa mga nasawi sa Zawayda ay mula sa isang pamilya, kabilang ang walong bata at apat na kababaihan, ayon sa health officials ng Gaza.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.