28 December 2025
Calbayog City
National

15 mga bata, humihingi ng suporta sa pamahalaan matapos ma-deport ang mga dayuhang ama na dating nagta-trabaho sa POGO

LABINLIMANG mga bata ang humihingi ng suporta mula sa pamahalaan matapos ma-deport ang kanilang mga dayuhang ama na dating nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz, ang mga bata na may mga inang Pilipina, ay mula sanggol hanggang tatlong taong gulang.

Sinabi ni Cruz, na kada linggo ay pumupunta sa kanila ang ina ng mga bata para humingi ng pambili ng gatas at diaper at kung minsan ay pambayad sa apartment.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).