PATAY ang disi sais anyos na lalaking Person with Disability (PWD) matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Valenzuela City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), sumiklab ang sunog sa residential area sa J. Santiago Street sa Barangay Poblacion.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng insidente at halaga ng mga natupok na ari-arian.




