Hindi bababa sa labinlima ang patay nang salpukin ng freight train ang likurang bahagi ng nakatigil na passeger train sa West Bengal State, sa India.
Ayon sa senior police official, halos tatlumpung katao naman ang nasugatan sa naturang trahedya.
Batay sa report, sinalpok ng goods train ang Kanchanjunga Express na patungong Kolkata na kabisera ng West Bengal, mula sa Northeastern State ng Tripura.
Dahil sa lakas ng impact, nadiskaril ang tatlong bagon ng pampasaherong tren.
Kabilang sa mga nasawi ang driver ng freight train at isang guwardiya ng passenger train.