TATLONG boy scouts ang nasawi habang labindalawang iba pa ang nasugatan makaraang makuryente, sa gitna ng Jamboree sa Climaco Freedom Park sa Zamboanga City.
Sa impormasyon mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, inililipat ng boy scouts ang kanilang tent nang aksidente itong madikit sa live wire.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Dead on arrival sa ospital ang tatlong boy scouts na pawang labimpitong taong gulang habang ginagamot pa ang mga nasugatan.
Dahil sa trahedya ay kinansela na ng lokal na pamahalaan ang apat na araw sanang aktibidad na magtatapos sa Linggo.
