Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang labingapat na mangingisda makaraang magkaproblema ang makina ng kanilang bangka sa Barangay Malis, Brooke’s Point, Palawan.
Nasiraan ng makina ang FB C-Jay lulan ang 14 na mangingisda habang naglalayag pabalik ng Puerto Princesa City pagkatapos ang ginawang pangingisda sa El Nido.
ALSO READ:
Nang matanggap ang report, agad nagkasa ng Search and Rescue operation ang PCG.
Pawang nasa maayos na kondisyon naman ang lahat ng crew ng fishing boat.