LABINTATLONG mga batang mag-aaral ang nasawi sa South Africa makaraang sumalpok ang sinasakyang minibus sa isang truck sa Johannesburg City.
Ayon sa Local Education Authority, labing isa sa mga biktima ay dead on the spot habang ang dalawang iba pa ang binawian ng buhay sa ospital bunsod ng mga tinamong pinsala sa katawan.
Mayroon ding dalawang iba pa na nananatiling nasa kritikal na kondisyon. Batay sa police report, bumangga ang minibus sa kasalubong na truck matapos mag-overtake sa dalawang sasakyan.




