3 July 2024
Calbayog City
Provincial

13 anyos na nagtitinda ng balut, patay sa pamamaril sa Pangasinan

PATAY ang isang trese anyos na lalaki makaraang barilin ng hindi nakilalang salarin sa Villasis, Pangasinan.

Ayon sa mga otoridad, nagtitinda ng balut si Charles Edward Serquiña kasama ang kanyang ina na si Carina, sa Barangay Puelay, nang lapitan sila ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo saka binaril ang bata na agad nitong ikinamatay.

Sinabi ni Carina na wala namang kaaway ang kanyang anak at nag-iipon ito ng pera para magkapag-aral.

Naghihinala si Major Glenn Dulay, Hepe ng Villasis Municipal Station, na posibleng napagkamalan ang biktima dahil nasa lamay din umano ang target ng mga kriminal.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *