NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang shipments na naglalaman ng labindalawang smuggled na mga sasakyan na nagkakahalaga ng 10.8 million pesos sa Manila International Container Port.
Ayon kay BOC-Customs Intelligence and Investigation Services Director Verne Enciso, hinarang ang shipments na idineklara bilang “car accessories and supplies,” kasunod ng Derogatory Intelligence.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Na-detect sa X-ray scans ang mga itinagong sasakyan, kaya nagsagawa ng full physical inspection.
Kabilang sa mga kinumpiska ang tig-iisang unit ng 1996 Acura Integra; 1999 Honda Civic; 2002 Honda S2000; 2004 Honda S2000; 2007 Mini Cooper S; tatlong units ng 1998 Honda Civic; at apat na units ng 2000 Honda Civic.